Wednesday, February 23, 2011

Pangungusap

Ano ang Pangngusap?

  • Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.
  • Ang pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.
  • Ang pangungusap ay nagtataglay ng buong diwa. Meron itong simuno na siyang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Maaaring ito ay tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. At meron din itong panaguri na nagbibigay paliwanag o impormasyon tungkol sa paksa.

Dalawang Bahagi ng Pangungusap

  • Simuno  - tumutukoy sa paksa o ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay tinatawag na subject sa wikang Ingles.
  • Panaguri - tumutukoy sa bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay tinatawag na predicate sa wikang Ingles

    Halimbawa: 
                 Si Nene ay nagdidilig. 
                (simuno)  (panaguri)
                Ang mga bata ay naglalaro.
                     (simuno)    (panaguri)
                Si Jose Rizal ay isang henyo.
                    (simuno)        (panaguri) 
                Umawit ng kundiman si Claire.
                        (panaguri)       (simuno)
               

Ayos ng Pangungusap

  • Karaniwang Ayos - ito ay pangungusap na nauuna ang panaguri kaysa sa simuno/paksa.  Hindi ginagamitan ng salitang “ay”.
          Halimbawa:
                 Sumakay ng bangka ang mag-ama.
                       (panaguri)              (simuno)
  • Di-karaniwang Ayos - ito ay pangungusap na nauuna ang simuno kaysa panaguri. Ginagamitan ng panandang "ay".
          Halimbawa
                Ang mag-ama ay sumakay ng bangka.
                    (simuno)              (panaguri)


Mga Uri ng Pangungusap 
  • Paturol o Pasalaysay – ito ay pangungusap na naglalahad ng isang katotohanang bagay.  Nagtatapos ito sa tuldok (.).
    Halimbawa
          Tumawa ng malakas ang mga bata.
          Si Nene ay marahang kinuha ang palamuti.
       
  • Pautos – ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok (.).
    Halimbawa
          Dagdagan mo ng asin ang niluluto mo.
          Kunin mo ang mga gamit mo dito.
Anyo ng Pautos
    • Pautos na Pananggi – Pinangungunahan ng salitang "huwag".
  Halimbawa:
                      Huwag ka muna umalis sa kasiyahang ito.
                      Huwag ka mong ituloy ang binabalak mo.
    • Pautos na Panag-ayon – Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas.
  Halimbawa:
       Ipagluto mo ng masarap na hapunan ang tatay mo.
       Ipaalala mo sa kapatid mo ang baon nya.

  •  Patanong – ang pangungusap kung nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
     Halimbawa
           Ano ang pangalan mo?
Anyo ng Patanong
    • Patanong na masasagot ng OO o Hindi
        Halimbawa:
              Nagluto ka na ba ng hapunan?
              Naririnig mo ba ako?

    • Pangungusap na Patanggi ang Tanong
        Halimbawa:
             Hindi ka ba maliligo?
             Hindi ba kayo sasali sa welga?

    • Gumagamit ng Panghalip na Pananong - Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang:    ano,    alin,    sino,   saan    at iba pa.
        Halimbawa:
             Ano ang iyong ginagawa kanina?
             Saan gaganapin ang pagtitipon?

    • Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong
       Halimbawa:
             Tayo ba ay aalis na?

    • Tanong na may Karugtong o Pabuntot
        Halimbawa:
              Dumaan ka na dito, hindi ba?


  • Padamdam – ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).  Hala!  Aba!  Ha!  Hoy!  Gising!  Naku!
    Halimbawa
          Naku, nalulunod ang bata!
          Sunog!

Saturday, February 19, 2011

Pang-abay

Ano ang Pang-abay?
  • Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Ito ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano.

Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.

Halimbawa:
Mahinahon nyang pinaliwanag kung anong nangyari talaga.

Dahan-dahang siyang bumaba sa hagdan.




2. Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.

Halimbawa:

Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban.



3. Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan.

Halimbawa:

Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo.

4. Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang katiyakan.

Halimbawa:

Tila nagwagi siya ng unang gantimpala.

5. Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na gaano o ilan.

Halimbawa:

Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.

6. Pang-abay na Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon.

Halimbawa:

Opo, mahusay sumayaw si Gabby.

7. Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon.

Halimbawa:

Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao.

8. Pang-abay na Panulad – ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay.

Halimbawa:

Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.