Ano ang Pangngusap?
Dalawang Bahagi ng Pangungusap
(simuno) (panaguri)
Ang mga bata ay naglalaro.
(simuno) (panaguri)
Si Jose Rizal ay isang henyo.
(simuno) (panaguri)
Umawit ng kundiman si Claire.
(panaguri) (simuno)
Ayos ng Pangungusap
Mga Uri ng Pangungusap
Huwag ka mong ituloy ang binabalak mo.
- Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.
- Ang pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.
- Ang pangungusap ay nagtataglay ng buong diwa. Meron itong simuno na siyang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Maaaring ito ay tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. At meron din itong panaguri na nagbibigay paliwanag o impormasyon tungkol sa paksa.
Dalawang Bahagi ng Pangungusap
- Simuno - tumutukoy sa paksa o ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay tinatawag na subject sa wikang Ingles.
- Panaguri - tumutukoy sa bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay tinatawag na predicate sa wikang Ingles
- Halimbawa:
(simuno) (panaguri)
Ang mga bata ay naglalaro.
(simuno) (panaguri)
Si Jose Rizal ay isang henyo.
(simuno) (panaguri)
Umawit ng kundiman si Claire.
(panaguri) (simuno)
Ayos ng Pangungusap
- Karaniwang Ayos - ito ay pangungusap na nauuna ang panaguri kaysa sa simuno/paksa. Hindi ginagamitan ng salitang “ay”.
Halimbawa:
Sumakay ng bangka ang mag-ama.
(panaguri) (simuno)
- Di-karaniwang Ayos - ito ay pangungusap na nauuna ang simuno kaysa panaguri. Ginagamitan ng panandang "ay".
Halimbawa
Ang mag-ama ay sumakay ng bangka.
(simuno) (panaguri)
Mga Uri ng Pangungusap
- Paturol o Pasalaysay – ito ay pangungusap na naglalahad ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa
Tumawa ng malakas ang mga bata.
Si Nene ay marahang kinuha ang palamuti.
Si Nene ay marahang kinuha ang palamuti.
- Pautos – ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok (.).
Halimbawa
Dagdagan mo ng asin ang niluluto mo.
Kunin mo ang mga gamit mo dito.
Kunin mo ang mga gamit mo dito.
Anyo ng Pautos
- Pautos na Pananggi – Pinangungunahan ng salitang "huwag".
Halimbawa:
Huwag ka muna umalis sa kasiyahang ito.Huwag ka mong ituloy ang binabalak mo.
- Pautos na Panag-ayon – Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas.
Halimbawa:
Ipagluto mo ng masarap na hapunan ang tatay mo.
Ipaalala mo sa kapatid mo ang baon nya.
Ipaalala mo sa kapatid mo ang baon nya.
- Patanong – ang pangungusap kung nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
Halimbawa
Ano ang pangalan mo?
Anyo ng Patanong
- Patanong na masasagot ng OO o Hindi
Halimbawa:
Nagluto ka na ba ng hapunan?
Naririnig mo ba ako?
Naririnig mo ba ako?
- Pangungusap na Patanggi ang Tanong
Halimbawa:
Hindi ka ba maliligo?
Hindi ba kayo sasali sa welga?
Hindi ba kayo sasali sa welga?
- Gumagamit ng Panghalip na Pananong - Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang: ano, alin, sino, saan at iba pa.
Halimbawa:
Ano ang iyong ginagawa kanina?
Saan gaganapin ang pagtitipon?
Saan gaganapin ang pagtitipon?
- Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong
Halimbawa:
Tayo ba ay aalis na?
- Tanong na may Karugtong o Pabuntot
Halimbawa:
Dumaan ka na dito, hindi ba?
- Padamdam – ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!). Hala! Aba! Ha! Hoy! Gising! Naku!
Halimbawa
Naku, nalulunod ang bata!
Sunog!
Sunog!
Hindi ako magaling sa Balarila kahit noong nasa High School pa ako. Pero talaga po bang Nasa Di-karaniwang ito kapag nauuna ang Simuno?
ReplyDelete