Saturday, February 19, 2011

Pang-abay

Ano ang Pang-abay?
  • Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Ito ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano.

Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.

Halimbawa:
Mahinahon nyang pinaliwanag kung anong nangyari talaga.

Dahan-dahang siyang bumaba sa hagdan.




2. Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.

Halimbawa:

Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban.



3. Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan.

Halimbawa:

Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo.

4. Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang katiyakan.

Halimbawa:

Tila nagwagi siya ng unang gantimpala.

5. Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na gaano o ilan.

Halimbawa:

Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.

6. Pang-abay na Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon.

Halimbawa:

Opo, mahusay sumayaw si Gabby.

7. Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon.

Halimbawa:

Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao.

8. Pang-abay na Panulad – ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay.

Halimbawa:

Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.






1 comment:

  1. Sana ipagpatuloy po ninyo ang blagspat na ito upang paglinganin ng mga Pilipino ang ating mga sariling wika kahit man lamang ang Tagalog, Bisaya at Ilokano.

    ReplyDelete